Tema: WIKANG FILIPINO: NAGBABAGONG LARANGAN, NAGBABAGONG PANANAW
Agosto 11, 2005, Pamantasang De La Salle - Maynila
Inaanyayahan ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle ang mga estudyante sa kolehiyo sa Luzon para sa SALOY 2005: Kumperensya ng mga Estudyante para sa Wikang Filipino. Ito ay gaganapin sa ika-11 ng Agosto 2005, 1:00 hanggang 5:00 ng hapon sa Pamantasang De La Salle – Maynila.
Layunin ng pagtitipong ito na bigyan ng venyu ang mga estudyante na ibahagi at talakayin ang kanilang mga pananaw at ideya tungkol sa wikang Filipino at mga isyu, alalahanin o sitwasyong kaugnay nito. Maaari ring talakayin ang iba pang isyung may kinalaman sa pangunahing tema.
Para sa mga nais magbasa ng kanilang papel o naisagawang pananaliksik, kailangang magpadala ng abstrak na hindi lalagpas sa 150 salita at single space. Kasama na rito ang pangalan ng awtor, kolehiyo/pamantasang kinabibilangan, tirahan, telepono at email address. Ang pinal na papel ay hindi dapat lalagpas sa walong pahina (doble espasyo), sa font size na 12, Times New Roman o Arial.
Ang dedlayn para sa abstrak ay sa Hulyo 16, 2005. Maaari itong ipadala sa Departamento ng Filipino, Room 401 - 403 William Hall, De La Salle University-Manila, 2401 Taft Avenue, Manila o sa email na ramil_correa@yahoo.com o torralbaj@dlsu.edu.ph. Ipaaalam ang mga natanggap na papel sa Hulyo 23, 2005. Ang kumpirmasyon ng paglahok at pagpapadala ng pinal na papel ay sa Hulyo 30, 2005.
Walang bayad o libre ang pagdalo sa kumperensya, magbabasa man ng papel o makikinig. Magbibigay din ang departamento ng natatanging handog o token ng pagkilala sa mga natanggap na papel.
Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Departamento ng Filipino sa telepono bilang 5244611 lokal 552 / 509
I never think of the future - it comes soon enough. - Albert Einstein (1879 - 1955)

No comments:
Post a Comment