Madaling basahin ang tula ayon sa karakteristiko ng mga katagang ginamit at sa istrukturang kanyang kinalabasan. Iisiping ang pagtalakay nito ukol sa gamu-gamo ay dala ng isang persona nagkukuwento. Simple lamang ang hatid ng tula sa mambabasa nito: isang maigsing kuwento o anekdota sa anyong pa-tula; iniwasang haluan ng persona ang labis na pagwawangis; at inihayag ito nang walang malinaw na hangarin o lantarang layon.
Sa biglang tingin (o basa), hindi basta-basta mababatid kung ano ang kahulugan ng anekdota - liban kung ito ay titingnan sa ibang nibel: sa alegorikal, o simbolismo. Kung hindi ito ang nais ng persona ay hindi malinaw, ngunit, dahil sumasabay ang tunggalian ng gamu-gamo sa peligro ng apoy ng lampara - mapapansin ang tono ng pagbabadya ng persona, habang tumutungo ang maikling kwento sa konklusyon nito. Ang paglalatag ng tunggaliang ito sa panahon - hinati sa pamamagitan ng Noon, Minsan at Ngayon ay nagdadagdag ng kahulugan sa tula sapagkat ginawa silang susi sa pagdikta ng mga pangyayari. Kungbaga, sa halip na naging isang kwentong linyar o nasa isang alon ng panahon -- nahati sa tatlo ang tula at nabigyan ng pagpapahalaga ng persona ang pangangailangan upang ipaghambing-hambing ang bawat pangyayari sa 'loob' ng bawat panahong binanggit.
Bunga nito, naitataas ang nibel ng tula mula sa simpleng kwento - tungo sa alegorikal. Yan ang pormalismong kritismo -- Ngunit napakasimple ng tula kung dito lang ito ibabatay. Anong ipagkakaiba nito sa ibang tula ng simbula? Kung ganito lang ang tula - anong bago ang naihatid nito? Parang wala lang kung ganun lang sapagkat masyadong naging bukas sa interpretasyon ang mga simbulo. Marahil sasabihin ng iba na ito ang dahilan kung bakit siya maganda - ngunit hindi doon natatapos ang tula.
Dahil dito, susuriin natin ang tula gamit ang iba pang paraan na makikita nating lubos kung bakit may angking ganda ang tula na hindi marahil madaling makita sa pormalistikong pagsusuri.
Ang pinakabentahe ng tulang ito ay kung paano tinapos ng persona ang tula. Nandoron ang susi upang mabuksan ang malamang aral o simbulo ng tula.
Ang tula ay dapat basahin hindi lamang bilang tinig ng persona sa loob ng tula ngunit tinig ng persona sa kabila ng panhong kanyang kinasasangkutan. Dapat ding tingnan ito sa tabi ng napakaraming iba pang tulang tungkol din naman sa gamu-gamo at ang pag-inog nito sa apoy ng lampara. Matatandaang ang kuwento ay isang bersiyon ng sikat na kwento ng Doña Teodora sa batang si Jose Rizal.
Bagaman maraming tula ang nasulat na ukol sa Gamu-gamo at ang katunggali niyang liwanag ng apoy - ang tulang ito ay isang paglayo sa popular na bersiyon kung saan namatay ang gamu-gamo, at silbing nagging halimbawa ng katangahan.Sa biglang tingin (o basa), hindi basta-basta mababatid kung ano ang kahulugan ng anekdota - liban kung ito ay titingnan sa ibang nibel: sa alegorikal, o simbolismo. Kung hindi ito ang nais ng persona ay hindi malinaw, ngunit, dahil sumasabay ang tunggalian ng gamu-gamo sa peligro ng apoy ng lampara - mapapansin ang tono ng pagbabadya ng persona, habang tumutungo ang maikling kwento sa konklusyon nito. Ang paglalatag ng tunggaliang ito sa panahon - hinati sa pamamagitan ng Noon, Minsan at Ngayon ay nagdadagdag ng kahulugan sa tula sapagkat ginawa silang susi sa pagdikta ng mga pangyayari. Kungbaga, sa halip na naging isang kwentong linyar o nasa isang alon ng panahon -- nahati sa tatlo ang tula at nabigyan ng pagpapahalaga ng persona ang pangangailangan upang ipaghambing-hambing ang bawat pangyayari sa 'loob' ng bawat panahong binanggit.
Bunga nito, naitataas ang nibel ng tula mula sa simpleng kwento - tungo sa alegorikal. Yan ang pormalismong kritismo -- Ngunit napakasimple ng tula kung dito lang ito ibabatay. Anong ipagkakaiba nito sa ibang tula ng simbula? Kung ganito lang ang tula - anong bago ang naihatid nito? Parang wala lang kung ganun lang sapagkat masyadong naging bukas sa interpretasyon ang mga simbulo. Marahil sasabihin ng iba na ito ang dahilan kung bakit siya maganda - ngunit hindi doon natatapos ang tula.
Dahil dito, susuriin natin ang tula gamit ang iba pang paraan na makikita nating lubos kung bakit may angking ganda ang tula na hindi marahil madaling makita sa pormalistikong pagsusuri.
Ang pinakabentahe ng tulang ito ay kung paano tinapos ng persona ang tula. Nandoron ang susi upang mabuksan ang malamang aral o simbulo ng tula.
Ang tula ay dapat basahin hindi lamang bilang tinig ng persona sa loob ng tula ngunit tinig ng persona sa kabila ng panhong kanyang kinasasangkutan. Dapat ding tingnan ito sa tabi ng napakaraming iba pang tulang tungkol din naman sa gamu-gamo at ang pag-inog nito sa apoy ng lampara. Matatandaang ang kuwento ay isang bersiyon ng sikat na kwento ng Doña Teodora sa batang si Jose Rizal.
Ang pagbabago ng kahulugan ng popular na bersiyon ng kwentong ito ay ginawa rin ni Jose Rizal. Kung ang unang kwento ng kanyang ina ay pagbabadya upang huwag hanapin ang liwanag at magpasunog sa ambisyon at pangarap - binago ito ni Jose Rizal upang maging simbulo ng kanyang pagmamalasakit sa isang layon at adhikaing hindi popular. Sa kanyang mga sulat kay Blumentritt, o marahil sa kanyang Ina mismo, kung hindi ako nagkakamali, ay binanggit niya ang pagbabagong ito ng tula: sa halip na siya ang tagapakinig ay siya naman ang tagapagsalaysay.
Partikular na ang pagbabago ng kahulugan ng anekdota ni Jose Rizal sa kanyang 'paghahanap ng kaliwanagan' sa dilim ng imperyang Kastila. Matatandaang ang bayani ay isang 'illustrado' ng kanyang panahon. Itinutulad ni Rizal ang paghahanap ng dunong at liwanag na ito sa pagpapalaya ng sarili, at sa wakas ay ng sambayanang napapaalipin sa sistema ng mga frayle.
Kung sa kwento ng kanyang ina ay itong gamu-gamo ay pagbabadyang may ambang panganib - binago ito ni Rizal upang maging isang panghihikayat or imbitasyon upang mapalaya ang sarili.
Sa ganitong pananaw, ang tula ay nagkakaroon ng kakaibang kulay. Kung sa pormalistiko ay simple at walang malinaw na kahulugan, nagiging halimbawa ito ngayon ng imbitasyon ng persona upang baguhin ang kahulugan ng kwento - o marahil ay intindihin ang kwento sa isang bagong panahon. Bagaman wala ang mga pahiwatig na ito sa katawan ng tula, ang pagiging popular ng kwentong Gamu-gamo ang siyang nagiging susi upang mabasa ito sa ibang kahulugan.
Matutumbasan ba nito ang kakaibang pagbasa ni Rizal sa kahulugan? Marahil hindi, or marahil maling tanong. Ang mahalaga ay nakikita natin na ang persona, saan mang panahon ay sumasalok sa nakaraan at sa mga kwentong bayan upang may masabi. Hindi mahalaga kung ano o para saan, mahalaga lamang na mayroon - o meron.
Bagaman hindi malinaw kung ano ang simbolismo ng gamu-gamo, ang pagpapahalaga ng persona sa mga kilos ng gamu-gamo sa bawat Panahong kinasasangkutan nito ay nagiging hudyat upang tingnan ang simbolismo sa nibel ng koda-etika ng pagkilos. Ang pagsasatao ba ng gamu-gamo ay isang hudyat kung ano ang kahulugan nito? Kung sa kwento ni Rizal ay namatay ang gamu-gamo, at tuluyang naging martir o masasabing nakipag-isa sa liwanag ng dunong at kalayaan, ang gamu-gamo sa tulang ito ay natigil sa 'ngayon', may agam-agam sa paglapit, may takot, may pasubali, ngunit naroon ang intensiyong lumapit. Dahil dito, ang intensiyon ng pagkilos ay maiintindihan sa konsepto ng kagyat na pag-iisip o pagdedesisyon - o marahil kritiko ng pagsubok sa isang bagay nang hindi naliliming mabuti. Sa ganitong antas, ang pilosopiya ng tula ay kakaiba.
Bukod pa rito ang topograpfia ng tulang ito ay nakaayon sa panahon... parang may gustong ipahiwatig sa pagitan ng ngayon-noon-at minsan. Ang ipagtataka dito ay sa halip na noon-ngayon-bukas, Ang "minsan" and siyang naging pang-gulat. Ang minsan ba ay siyang pagkakataon nagpapahiwatig na ang nangyaring saglit na hindi pagtuloy ng gamu-gamo sa apoy Ngayon ay Minsang nangyari? Kung Noong Minsan ay siya ay namatay - ang gamu-gamong ito ay hindi?
Kung titingnan ito sa pamamagitan ng intensiyon ni Rizal, at ihahambing - maaaring maitanong - Isa ba itong kritisismo ng Tao ngayon laban sa Tao ng Minsan - o noong panahon ni Rizal? Kung noon ay malinaw ang paghahangad ng kalaayan ng Pilipino, upang maabot ang liwanag bagaman umabot sa kamatayan --- Ang AGAM-AGAM ba ng NGAYON ay salamin ng panahong makabago? Panahong nakabatay sa ikadudulot ng kilos at hindi sa intensiyon ng kilos? Kritisismo ba itong badya ng kung ano ang mayroon tayo ngayon bilang kultura? Kultura ba ito ng seguristang naghihintay na kaseguruhan bago kumilis at pumili ng anu mang disiyon? Nasaan ang tao ngayon ? Umuiwas ba tao sa kaliwanagang walang hatid na materyal na regalo liban sa kadakilaang hindi naman maaring isanla o ipagbili? Ano ang maka-tao noon, ang pagpapakatao ngayon? Oo't hindi binanggit sa tula, ngunit dahil dito nahihikayat ang kamalayan ng mambasa upang magtanong - Bakit binago ang kwento? Bakit?
Sa ganitong pagsusuri ay lumalalim ang tula. Bagaman walang kasagutan, ang simpleng pagbabago ng persona ng istruktura ng kuwento ay nagkakaroon ng bagong kahulugan. Marahil kung tutuusin nga'y hindi na mahalaga kung BAKIT, at ANOng DAHILAN. Hindi na mahalaga kung anong dahilan o intensiyon ng persona o ng may-akda man. Sa huli, ang tula ay nagiging isang halimbawa ng imbitasyon sa bagong pagtingin. Kung titingnan ito bilang ganito, nagiging mas makulay ang buhay, ang anumang tula, at kahit maging yaon mang mga napakasimpleng kuwento ng buhay. Peligroso ang gantong kritismo at paraan ng pagbabasa - sapagkat hindi lahat ng tula ay maaring suriin sa ganitong paraan. Sa ganitong pagtingin, ang tula ay nabubuhay bilang isang larawan ng buhay mismo - silbing masalimuot at maraming di tiyak na kahulugan, ngunit sa kanyang di-kasiguruhan ay masusukat kung ano ang pagkakaiba ng buhay sa bawat panahon.