Friday, June 24, 2005

Ora Poetika

CDplug

In line with Pinoypoets' first anniversary, the group is releasing a recording of poetry readings entitled Ora Poetika. Available at Conspiracy Bar on June 28. For reservations, contact Romel Samson (09278470212, risingphoenix101@yahoo.com)

Ora Poetika

Ora. Bibig.

Doon nagsimula ang lahat – mga awit, mga panalangin. Isinasapuso ng mga katutubo, isinasalin sa bawat henerasyong dumarating, idinadagdag at dinadagdagan ng karanasan. Mga awit ng pagdiriwang, pagluluksa, panghihimok sa pagkilos. Mga panalangin – oracion – upang dalhin sa himpapawid ang mga kolektibong hiling ng bayan.

Poetika. Panulaan.

Diwang-nagsa-titik. Inilapat sa papel, sa semento, sa buhangin, sa isip. Sa puso. Tungkol man ito sa dagat, halimbawa, o sa lungsod, tiyak na may nagpupumiglas na tinig, at humihiling na ito'y pakinggan. Bumubulong sa diwa ng mambabasa hanggang sa kalauna'y mamumutawi muli mula sa bibig.

Ora. Poetika. Sa ganitong anyo nagsimula, sa ganitong anyo pa rin iiral. Sapagkat ang pagtula ay gawaing hindi lamang pang-isahan – ito'y gawain ng mga nangangahas na magpumiglas sa katahimikan.

Aanhin pa ang tula kung ito'y nakatago lamang sa baul ng paglimot? Aanhin pa ang tula kung hindi ito isinasapuso, isinasalin sa bawat henerasyong dumarating, idinadagdag at dinagdagan ng karanasan? Aanhin pa ang tula kung hindi naman ito makapupukaw ng nahihimbing na diwa?

Makinig. Malamang na sa mga tinig nilang mga nangangahas ay marinig mo rin ang tinig mo.

- Jonar Sabilano

I never think of the future - it comes soon enough. - Albert Einstein (1879 - 1955)

No comments: