Thursday, February 3, 2005

Gamu-gamo

Noon --
Isang gamu-gamo ang naakit
maglaro sa paligid ng maningning na ningas
ng ilawang kristal.
Lalapit, lalayo

sa mapang-akit na kislap
ng mainit na apoy.

Minsan --
Gamu-gamo'y napalapit
sa apoy ng lampara
pakpak ay nagliyab
at muntik mamatay.

Ngayon --
Naroon pa rin ang gamu-gamo
naglalaro sa paligid
ng mapang-akit na ningas
ngunit bantulot lumapit
at tuluyang
madarang sa init.

(c) Jheric A. Saracho
January 24, 2005

No comments: