Friday, February 11, 2005

Nais Kong Maging Guryon



Minsan, nais kong maging guryon
magilas, matayog ang lipad
nakikipagtagisan sa mga ibong
humahalik sa mga ulap.

Nais kong pumailanlang
tangay ng hanging amihan
maglakbay sa malayong lupain
makipaglaro sa mga bituin

Nais kong maging guryon
magilas, matayog ang lipad.

Malayang abutin
pangarap na tangay ng hangin.


©
Jheric A. Saracho
November 25, 2004

No comments: