Wednesday, May 25, 2005

Ayoko ng Biglaan

Mainam kung dahan-dahan
masarap namnamin ang lasa
ng isang bagay
kung pinaghirapan.

Ayoko ng hablot agad
gusto ko'y kurot-kurot lang
upang lubos na matikman
sarap na inaasam.

Ayoko ng pilitan
mas ok kung bukal sa kalooban
walang alalahanin
sakali mang magkagipitan.

Ayoko ng mabilisan
maganda kung pang-matagalan
kahit tumagal ang digmaan
patuloy na lalaban.

(C) Jheric A. Saracho
May 25, 2005

I never think of the future - it comes soon enough. - Albert Einstein (1879 - 1955)

No comments: