Friday, May 27, 2005

Bituin

hannah

Nadadarang ako sa init ng bituin,
na para bang narito lamang sa aking tabi,
pumapaso at nanunuot sa aking pagkatao,
pinag-aalab ang aking kamalayan.

Nasisilaw ako sa liwanag ng tala,
sa ilaw n’yang nagpapasigla sa aking mundo,
tumatanglaw sa akin araw-araw,
nagpapaigting ng ligayang aking nadarama.

Masunog at mabulag man ako,
patuloy ko pa ring aabutin ang bituing ito.

(C) Jheric A. Saracho
November 9, 2004

I never think of the future - it comes soon enough. - Albert Einstein (1879 - 1955)

No comments: