Wednesday, July 13, 2005

Basketbol

Bawat talbog ay isang hamon,
lahat ng pasa'y pagharap sa problema,
mga tulak at siko'y hadlang sa mithiin,
bawat buslo'y isang hakbang sa tagumpay.


Ganyan ang buhay, parang basketbol
minsa'y may pasahan, at merong tulakan,
hangga't may oras pa, tuloy lang ang laban,
sa bawat hagis ng bola, abot-kamay ang pangarap.


(C)
Jheric A. Saracho

I never think of the future - it comes soon enough. - Albert Einstein (1879 - 1955)

No comments: