Monday, July 4, 2005

Huwag Mo Akong Angasan

Huwag mo akong angasan.

Alam mo namang
dito’y mainit at masikip,
bakit pinilit mo pa
na sarili’y isiksik?

Inis mo’y wag ipagsigawan,
kung ayaw mong kainisan,
ang iyong siko’y alisin sa ‘king tagiliran,
pag ‘di ko napigil, kita’y bibigwasan.

Huwag mo akong angasan,
malapit na kitang patulan.

Ayaw mo palang maipit at pagpawisan,
sana ika’y nag-taksi na lamang.

(C) Jheric A. Saracho
October 27, 2004

I never think of the future - it comes soon enough. - Albert Einstein (1879 - 1955)

No comments: