Saturday, July 2, 2005

PINOYPOETS RENGGA: Istarlet

Makikita ang pangalan ko sa dyaryo
at sabik na akong abangan ito.
Bukas, uunahan ko ang araw sa kanto
sa pagtambay,sa paghihintay.
Kahit na ang los diarios son undelivered tambien.
Hijo de puta! Pajaros y gatos!
Katulad ni Pedro, sikat na ang grupo.
Ngayon sa dyaryo, bukas, TV, radyo.
Kahit sa isang araw, kapantay namin
ang mga imortal.
Lahat aming lilikhain, lahat aming papangalanan.
Ang mga hudas ay babanggain.

Basta hintay ka lang.
Maisasatitik din ang aking katanyagan.

(C) Pinoypoets
June 23, 2005

I never think of the future - it comes soon enough. - Albert Einstein (1879 - 1955)

No comments: